Monday, October 16, 2017

Bank account ni Duterte by Rep. Gary C. Alejano

BANK ACCOUNT NI DUTERTE
Paano ba nagsimula ang issue ng bank account/s ni Duterte na umano ay bilyon ang laman? Ganito lang natin i-breakdown ang issue ng bank account niya sa pamagitan ng paglahad ng isang sequence:
1. Kampanya. NANGAKO si Duterte kasama ni Cayetano na dapat lahat na tumatakbo magsign ng bank waiver. Ibig sabihin i-waive mo ang rights mo sa ilalim ng Bank Secrecy Law. Diyan makikita ang lahat pati transaction history ng isang bank account.
2. Trillanes. Nilabas niya sa publiko na may BILYON si Duterte sa kanyang mga accounts taliwas sa kampanya ni Duterte na siya ay MAHIRAP na tao lang. In fact, sinabi pa niya na walang pang gamot ang nanay niya nang ito ay na ospital. Pinakita ni Trillanes ang photocopied bank records ni Duterte sa publiko.
3. DENIAL. Hindi raw totoo ang sinabi ni Trillanes. Non-existent daw ang bank account according sa spokesperson ni Duterte na si Peter La Viña.
4. UNANG HAMON. Pag hindi totoo ang sinasabi ni Trillanes siya ay magresign sa Senado at mag withdraw sa Vice Presidential race.
5. DEPOSIT. Some people deposited to the account presented by Trillanes and it was successful. So, that means totoo ang account.
6. ADMISSION. Napilitang umamin si Duterte na totoo nga na kanyang account yung pinakita ni Trillanes. Pero ang sabi niya na konti na lang ang laman dahil pinang-hapihapi niya.
7. PANGALAWANG HAMON. Si Duterte buksan ang bank account through a waiver at Trillanes sabihin kung saan niya nakuha ang impormasyon niya. Magkita sila sa BPI branch Ortigas.
8. RESULTA. Trillanes dumating dala ang affidavit niya. Duterte? Nada, awan, wala. Si Panelo ang sumipot. Ano ang dala? SPA o Special Power of Attorney at HINDI WAIVER. The SPA authorized Panelo by Duterte to ask two things from the bank; a) Balance of his account and b) certification from the bank that no point in time the account has contained P 211M (this means pag may piso lampas o kulang sa P 211M hindi mag certify ang bangko).
9. WHAT HAPPEND AFTER? Trillanes gave the affidavit to Panelo. Panelo gave the SPA to the bank. Trillanes requested for a copy, ayaw bigyan ni Panelo dahil di naman siya party to the SPA. Now, according to Panelo he could not give Trillanes the result of the request because he has to go back to his principal and it is up to his principal whether he would give Trillanes a copy or not. Again, nada, wala, awan ti copy. By the way, ang WAIVER ay hindi kapareha ng SPA.
10. CASE. Trillanes filed a plunder case against Duterte before the Ombudsman.
11. PANGATLONG HAMON. Presidente na si Duterte nang hinamon ulit ni Trillanes patungkol sa kanyang bank account. Ang sabi ni Trillanes na pag napatunayan na mali siya, siya ay agarang magresign sa Senado at mag walk-in sa piling kulungan ni Duterte.
12. ANG SAGOT? Denial lang si Duterte at yawyaw lang at iwas sa isyu ng waiver. Pagkakataon na sana ni Duterte na mawala si Trillanes sa landas niya bilang kritiko niya sa pamagitan ng pagpatunay na sinungaling si Trillanes. Waiver lang katapat. Awan pa rin si Duterte. Bakit kaya umiiwas? Nagtatago ba?
13. COUNTER MOVE. Ang ginawa na counter move ni Duterte ay nag imbento ng mga offshore bank accounts ni Trillanes para linlangin ang taumbayan na walang karapatan si Trillanes na magparatang na may bilyon siya at magdemand ng waiver sa kanya dahil si Trillanes ay meron ding mga tagong offshore bank accounts.
14. BOOMERANG. Bumalik kay Duterte ang kanyang taktika dahil agarang nag issue ng waivers si Trillanes sa lahat na accounts na kanyang nilabas. Si Trillanes ay pumunta pa sa Singapore kasama ang ilang media upang personal na i-verify ang nasabing account.
15. DBS ACCOUNT. Awan ti account! Halos di atupagin ng empleyado ng DBS si Trillanes dahil siya ay HINDI KLIYENTE. Ganun pa man, tinanong ni Trillanes ang teller ng bangko kung meron silang nakapangalan kay a) Antonio Trillanes o b) Antonio Trillanes IV whether SINGLE, JOINT, CLOSED OR CURRENT. Wala gyud ni isa nigawas sa computer ng teller.
16. NAPILITAN. Dahil dito napilitan si Duterte na aminin sa publiko na gawa gawa niya lang ang mga accounts ni Trillanes para hulihin niya ito. Tsk tsk. Di ko makita ano ang logic nito.
17. NAGSINUNGALING ULIT. Di na nadala sa pagkasunog dahil sa offshore bank accounts ni Trillanes, nagsinungaling ulit sa pagsabi na sinara ni Trillanes ang bank account niya bago pumunta Singapore. Yan daw ang dahilan bakit wala na siyang account sa DBS. Ang tanong, paano mo isara ang inimbento mo lang na account. Tsk tsk. Kahit isanlibo pa na accounts yan wala pa rin yan dahil hindi nga kliyente si Trillanes ng DBS.
18. FAKE NEWS PA MORE. By this time alam na ni Duterte na peke ang mga accounts mula sa impormante na kanilang binilhan ng impormasyon ngunit pilit pa ring sinabi sa publiko na totoo at nagpakita pa ng matrix ng deposits at withdrawals. Ano pa ba ang paniwalaan mo sa sinasabi ng pangulo kung ganito na ang estado ng kanyang pag-iisip?
19. MORE WAIVERS. Ang sabi ni Trillanes kahit ilang accounts pa ang ilabas ni Duterte ay isyuhan niya ito ng waivers para buksan ng AMLC para makalkal nila kung totoo o hindi. Si Duterte? Todo iwas sa sign pen. Ayaw humawak ng pen. Takot pumirma ng anumang waiver sa kanyang bank accounts.
20. OMBUDSMAN. Natanong ng media kamakailan lang ang Ombudsman patungkol sa kaso ni Duterte. Ang sabi ay ang hawak nilang bank transaction records ni Duterte ay "more or less" kapareha ang contents sa hawak ni Trillanes. The BANK TRANSACTION RECORDS were TRANSMITTED by AMLC to OMBUDSMAN.
21. AMLC. Ang sinabi nito ay hindi pa ito nagsumite ng REPORT sa Ombudsman. Tama naman ito dahil ang kanilang sinumite sa Ombudsman ay BANK TRANSACTION RECORDS at HINDI REPORT.
22. ANG TUGON NI DUTERTE? Nagwala!Tinakot ang ombudsman na paaresto kung di dadalo sa komisyon na kanyang itatayo. Fabricated daw ang hawak ng ombudsman. Sige pa Dong, magsinungaling ka pa sa publiko. Hinay hinay ka lang sa bulyaw mo sa publiko at nahahalata ka nang nasa angry panic mode ka na.